Masbate, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa lalawigan ng Masbate.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa layong 32 kilometers southwest ng bayan ng San pascual, 10:01 ng umaga ng Lunes, Jan. 6.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabng lindol. (DDC)