Apat na NBP personnel sinibak ni DG Catapang

Apat na NBP personnel sinibak ni DG Catapang

Sa ipinasyang hakbang na sumasalamin sa kanyang pangakong panatilihin ang kaligtasan at seguridad sa penal system, inutos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagsibak at pagsu sa puwesto at suspendihin ang apat na tauhan ng New Bilibid Prison (NBP) kabilang ang Acting Commander ng Guards kasunod nang nangyaring pananaksak sa NBP compound sa Muntinlupa City na nagresulta ng pagkamatay ng isang person deprived of liberty at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Ang mga sinibak sa tungkulin at pinatawan ng preventive suspension habang gumugulong ang imbestigasyon ay sina C/Insp Louie Rodelas, Shift Commander/Acting Commander of the Guards; Corrections Officers 1 Christian Alonzo, Joshua Mondres parehong Keeper ng Building 8, at CO1 Glicerio Cinco Jr – Gate Officer, Gate 1 A.

Matatandaan na naganap ang insidente nitong Huwebes ng umaga kung saan nagdulot ng seryosong alalahanin patungkol sa epektibong mga hakbang pangseguridad para protektahan ang PDLs.

Sa kabila na naka- on leave si Catapang nang mangyari ang insidente, agad inaksyunan sa kanyang pagbabalik trabaho nitong Sabado para sa inaasahang pagpapanagot sa mga correctional officers.

Binigyang-diin ni Catapang ang kritikal na ginagampanang tungkulin ng corrections officers upang tiyakin ang kaligtasan ng inmates, kung saan isa sa kanilang mga pangunahing responsibilidad ay magsagawa ng proactive security measures upang pigilan ang mangyayaring karahasan.

“This situation indicates a lapse in our operations, resulting in the death of PDL Ricardo Peralta and the wounding of PDLs Reginal Lacuerta and Bert Cupada. It is essential that we hold individuals accountable for these failures,” pahayag ni Catapang.

“Our personnel should be alert and vigilant to enhance the safety protocols that govern the custody ang management of inmates anytime of the day,” dagdag pa nito.

Samantala hiniling na rin ng Bucor chief ang Commission on Human Rights (CHR) na magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon kaugnay sa insidente.

Nabatid na nagpadala si Catapang ng liham kahilingan na may petsang January 4 kay CHR Commissioner Atty. Faydah Maniri Dumarpa para kumalap ng mga impormasyon, isulong ang transparency, at tukuyin ang mga pananagutan.

Unang nagpadala ng katulad na sulat ang Bucor kina NBI Director, Jaime Santiago at PNP Chief, P/Gen. Rommel F. Marbil. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *