6 katao na nagbebenta ng puwesto sa gobyerno, inaresto ng NBI

6 katao na nagbebenta ng puwesto sa gobyerno, inaresto ng NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na indibiduwal na sangkot umano sa pagbebenta ng posisyon sa gobyerno.

Ang mga suspek ay kinilalang sina
Diahn Sanchez Dagohoy (Diane); Bolkisah Balt Datadacula; Alejandro Barcena Lorino Jr.; Ronald Joseph Catunao; Leomer Abon; at Tita Natividad, na pawang dinakip dahil sa Syndicated Estafa at paglabag sa Article 177 (Usarpation of Authority or Official Functions) of the RPC.

Ayon kay NBI Director, Judge Jaime B. Santiago (Ret.), nitong January 02, 2025 inihain ang reklamo sa tanggapan ng Special Task Force (STF) at Cybercrime Division (CCD), kung saan noong December 29, 2024, isang nagngangalang Diane ang tumawag sa complainant at inalok siya ng puwesto bilang miyembro ng Bangsamoro (BARRM) Parliament.

Ang alok na posisyon ay sinasabing nagkakahalaga ng P8-milyon kung saan sinakyan ito ng complainant at nagkunwaring interesado.

Matapos ang ilang usapan ay nagkasundo ang complainant at ni Diane na maitalaga ang anak at pamangking lalaki s BARMM parliament na may bayad na halahang P15,000,000.00.

Siniguro ni Diane sa complainant ang dalawang posisyon na reserba at aayusin umano ito mismo ng First Lady kung saan ang matagumpay na appointees ay manunumpa sa kanilang tungkulin.

Kaagad nagsagawa ng joint entrapment operation ang STF at CCD makaraang itakda sa Manila Hotel ang pagkikita ng complainant at grupo ni Diane na nagpakilala umanong mga empleyado ng Office of the President, na nagresulta ng kanilang pagkaaresto matapos tanggapin ang markadong salapi.

Sa sertipikasyong inisyu ng OP, kinumpirma nito na ang mga suspek ay hindi mga empleyado o konektado sa Palasyo.

Samantala pinuri naman ni Director Santiago ang mga operitiba ng STF at CCD sa mabilis na pag-aksyon ukol dito at sinabing walang mga posisyon sa gobyerno ang ibinibenta o for sale. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *