DOH nakapagtala na ng 832 na kaso ng Fireworks Related Injuries; 4 na ang nasawi
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 832 na nasugatan dahil sa paputok.
Ang datos ay mula noong umaga ng Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 5, 2025.
Ayon sa DOH, umakyat na din sa 4 ang bilang ng mga nasawi makaraang isang 54 anyos na lalaki sa Calabarzon ang pumanaw dahil matinding pinsala na natamo bunsod ng pagsabog ng ginamit niyang kwitis.
Ang 832 na kaso ng Firecracker-Related Injuries ay
ay mas mataas ng 37 percent kumpara sa 606 total cases na naitala noong 2024.
491 sa mga biktima ng paputok ay edad 19 na taon pababa.
Ayon sa DOH, pangunahing dahilan ng pagkasugat ay ang paggamit ng kwitis, kasunod ang 5-star at boga. (DDC)