Dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa NCR, epektibo na
Epektibo na ang dagdag na P500 sa buwanang msahod ng gma kasambahay sa National Capital region (NCR).
Ayon sa abiso ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board -NCR, mula sa P6,500 ay magiging P7,000 na ang minimum na sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Naging epektibo ang dagdag sahod noong Sabado, Enero 4. (DDC)