DMW Sec. Hans Cacdac nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing OFW sa Kuwait

DMW Sec. Hans Cacdac nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing OFW sa Kuwait

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa pamilya ng OFW na si Dafnie Nacalaban na nasawi sa Kuwait.

Si Nacalaban na isang household service worker ay unang napaulat na nawawalaa at kalaunan ay natagpuan ang bangkay nito.

Binisita ni Cacdac ang pamilya ng OFW para magpaabot ng pakikiramay.

Siniguro din ng kalihim sa pamilya ang tulong ng gobyerno sa kanilang pinagdaraanan.

Patuloy ding nakabantay ang DMW katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa takbo ng kaso at sa imbestigasyon ng mga otoridad sa Kuwait. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *