LTO naglabas ng show cause order sa may-ari ng van na nag-counterflow sa QC

LTO naglabas ng show cause order sa may-ari ng van na nag-counterflow sa QC

Nag-isyu ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa registered owner ng van na nakita sa video na nag-counterflow sa bahagi ng Quezon City.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inaasahan ding agad matutukoy kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan nang makuhanan ito ng video.

Ang SCO ay ipinadala sa registered owner ng Toyota Hiace Commuter na may Plate No. UVE 914 sa kaniyang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente noong December 30 sa kahabaan ng Quirino Highway.

Inatasan ni Mendoza ang may-ari ng van na humarap sa LTO Central Office sa January 9 at magsumite ng written at notarized explanation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *