Taxi driver timbog sa P680K na halaga ng shabu at baril sa Muntinlupa City

Taxi driver timbog sa P680K na halaga ng shabu at baril sa Muntinlupa City

Sa kulungan ang bagsak ng isang taxi driver makaraang mahulihan ng P680,000 na halaga ng umano’y shabu at hindi lisensiyadong baril sa kasagsagan ng anti-criminality operation ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police Station – Intelligence Section sa Old City Terminal, Barangay Alabang sa lungsod.

Ang suspek ay kinilalang si Esteban, 44-anyos na inaresto bunsod ng intelligence reports na may armadong indibiduwal sa lugar.

Nakumpiska sa gitna ng operasyon ang 100 gramo ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber revolver at apat na bala.

“This successful operation demonstrates our continued commitment to eliminating illegal drugs and removing unlicensed firearms from our communities. We will remain relentless in our efforts to ensure the safety of our citizens,” sabi Southern Police District Chief Brigadier General Manuel Abrugena.

Nasa kustodiya ng Muntinlupa PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *