BuCor humirit ng parallel investigation sa NBI at PNP

BuCor humirit ng parallel investigation sa NBI at PNP

Pormal nang humiling ang Bureau of Corrections sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng parallel investigation sa nangyaring pananaksak sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City na nagresulta ng pagkamatay ng isang person deprived of liberty (PDL) at ikinasugat ng dalawang iba pa nitong Huwebes.

Sa hiwalay na liham na pirmado ni Bucor Officer-in-Charge, Asec. Al Perreras kina NBI Director, Jaime Santiago at PNP Chief, P/Gen. Rommel F. Marvil, hiniling ng Bucor sa dalawang ahensiya na magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon upang makakalap ng mga impromasyon,maisulong ang transparency, at matukoy ang mga dapat managot sa pagkamatay ni PDL Ricardo Peralta at ikinasugat naman ng dalawang PDLs na sina Reginal Lacuerta at Bert Cupada.

Inutos naman ni Perreras kay C/Supt Roger Boncales, Acting Superintendent ng NBP na magsumite ng komprehensibong incident report kaugnay sa nangyari at pangkalahatang kooperasyon sa gagawing imbestigasyon ng NBI at PNP.

Ayon kay Boncales, ang labi ni Peralta ay kinuha na ng kanyang maybahay na si Lalune Gabriel kagabi.

Nagpapagaling naman sa Ospital ng Muntinlupa sina Lacuerta at Cupada dahil sa tinamong saksak sa kanilang katawan.

Pinaniniwalaang apat na PDLs naman ang sangkot sa insidente na kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *