Barbie Forteza at Jak Roberto, hiwalay na
IBINUNYAG ng aktres na si Barbie Forteza na hiwalay na sila ni Jak Roberto matapos ang pitong taong relasyon.
Sa kanyang Instagram, sinabi ng aktres na ang makasama si Jak ang pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay, subalit minsan aniya ay nasisira ang magagandang bagay para sa mas maganda pa na maaring mangyari.
Idinagdag ni Barbie ang mga katagang “Beautiful Goodbye, @jakroberto.”
Pinasalamatan din niya ang dating boyfriend sa pagmamahal na ipinakita nito sa kanya, kasabay ng hiling na makatagpo rin ito ng pag-ibig.
Humingi rin ng pang-unawa ang aktres, at nakiusap na tuldukan na ang isyu. (IR Calbayog)