Metro cop sumailalim sa surprise random drug test
Kilala sa kanyang pangakong adhikain na ABLE, ACTIVE, and ALLIED police officers, pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director, Brigadier. General Anrhony A. Aberin ang surprise random drug testing sa sa kaasagsagan ng Guard Mounting/Reporting ng New Year’s Duty Personnel na ginanap sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ng January 2.
Ang inisyatibang ito ay parte ng NCRPO sa pagpapaigting ng mga hakbang nito upang tiyakin ang kanyang mga tauhan ay naninindigan sa pinakamataas na standards o pamantayan ng disiplina at integridad.
Nabatid na ang sorpresang drug testing ay nagbigay-diin sa hindi matatawarang pangako ng organisasyon sa pambansang kampanya kontra ilegal na droga, na tumitiyak sa publiko na pinapanatili ng Philippine National Police ang kanyang drug-free workforce.
Pinaalalahanan ni BGen Aberin ang mga pulis ang kahalagahan ng command responsibility at ng istriktong pagpapatupad ng mga patakaran at panuntunan na magsilbing modelo para sa komunidad.
Panawagan pa nito sa NCRPO personnel na maging propesyunalismo at disiplinado sa pagsunod ng mahahalagang mga prinsipyo: pag-obserba sa mga karaniwang police service, istriktong pagtalima sa Police Operational Procedures (POP), palaging gawin kung ano ang tama, iwasang masangkot sa mga ilegal na aktibidad, at maging malapit sa Diyos para sa katatagan at gabay.
“This random drug testing unequivocally shows NCRPO’s commitment to integrity and trustworthiness within the ranks. We shall aspire to embody the values of the PNP, and as members of the police organization, we should show that we are examples of accountability,” sabi ni BGen Aberin. (Bhelle Gamboa)