DOH nakapagtala ng 606 na Road Traffic Incidents sa nakalipas na 12-araw
Simula Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 3, 2025 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 606 na aksidente sa kalsada.
Ang nasabing bilang ay mula sa 8 Pilot Sites na mino-monitor ng DOH.
Ang 606 Road Traffic Incidents ay mas mataas ng 31 percent kumpara sa parehong petsa ng taong 2023.
Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 7 ang nasawi at 4 sa kanila ay nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo.
115 sa mga nasangkot sa aksidente ay pawang nakainom ng alak.
Nakapagtala din ng 527 na hindi gumamit ng safety accessories.
Paalala ng DOH sa mga motorista, ugaliling magsuot ng helmet kapag nagmomotorsiklo. (DDC)