“International health concern” na ipinakakalat sa social media, walang kumpirmasyon mula sa WHO ayon sa DOH

“International health concern” na ipinakakalat sa social media, walang kumpirmasyon mula sa WHO ayon sa DOH

Pinakakalma ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa mga mensaheng lumalaganap sa social media hinggil sa sakit na kumakalat sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay walang reliable sources na susuporta sa social media post tungkol sa umano ay “international health concern”.

Wala din itong kumpirmasyon mula sa World Health Organization (WHO).

Ayon sa DOH, ang Pilipinas ay aktibong kalahok sa network ng WHO Member States na sumusunod sa International Health Regulations (IHR).

At ang sistemang ito ang nagbibigay ng reliable na updates tungkol sa international health concerns.

Tiniyak din ng kagawaran na gumagana ang disease surveillance systems ng pamahalaan.

Paalala ng DOH sa publiko, iwasan ang pagbabahagi ng mga impormasyon mula sa mga kwestyonableng websites o iba pang online sources. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *