11,254 na dayuhan na sangkot sa operasyon ng POGO ipatatapon palabas ng bansa

11,254 na dayuhan na sangkot sa operasyon ng POGO ipatatapon palabas ng bansa

Mahigit labingisang libong dayuhan na sangkot sa operasyon ng POGO ang nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, sa 33,863 POGO employees na nasa ilalim ng PAGCOR, 24,779 ang nag-downgrade ng kanilang visa.

Bago matapos ang taong 2024, umabot na sa 22,609 ang nakaalis na ng bansa.

Ang nalalabi na bigo pang ipa-downgrade ang kanilang visa at bigong makaalis ng bansa ay mahaharap lahat sa deportation.

Ang mga kumpanya ng POGO ay pinaalalahanan din na obligado silang isuko ang mga dayuhan nilang empleyado na nananatili pa sa bansa.

Sinabi ni Viado na lahat ng dayuhan na lumalabag sa umiiral na POGO ban sa bansa ay mahaharap sa pag-aresto at deportation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *