PDL patay sa pananaksak sa loob ng BIlibid; 2 iba pa sugatan

PDL patay sa pananaksak sa loob ng BIlibid; 2 iba pa sugatan

Agad ipinag-utos ng Bureau of Corrections (BuCor) sa lahat ng superintendents ng mga prison and penal farms sa bansa na magpatupad ng mga hakbang sa pag-iingat o precautionary measures upang tiyakin na walang higantihang mangyayari sa kani-kanilang hurisdiksiyon kasunod nang nangyaring pananaksak sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na nagresulta ng pagkamatay ng isang person deprived of liberty (PDL) at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Hindi muna binanggit ng BuCor ang mga pangalan ng mga nasasangkot sa insidente hanggang sa maipabatid sa kani-kanilang pamilya.

Ang ganitong hakbang ay nagbigay-diin sa pangako ng Bucor na panatilihin ang dignidad at respeto para sa mga pamilya ng PDLs na apektado ng hindi inaasahang pangyayari.

Batay sa ulat na isinumite ni NBP Acting Superintendent, Corrections Chief Inspector Roger Boncales, ang insidente ay naganap dakong alas- 7:15 ng umaga ng Huwebes, January 2, sa Gate 1-A Quadrant 4 ng Maximum Security Camp sa NBP.

Upang mapigilan ang maaaring mangyari habang iniimbestigahan ang insidente, inatasan na ng Bucor Head Quarters ang lahat ng superintendents ng operating prison and penal farms na magpatupad ng precautionary measure sa kani-kanilang OPPFs para siguruhin ang kaligtasan ng mga PDLs at staff. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *