Bangkay ng Pinay na unang napaulat na nawawala sa Kuwait, natagpuan na

Bangkay ng Pinay na unang napaulat na nawawala sa Kuwait, natagpuan na

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala ng buhay ng matagpuan ang isang Pinay worker sa Kuwait na napaulat na nawawala dalawang buwan na ang nakararaan.

Limang taon nang nagtatrabaho sa Kuwait ang nasabing OFW, at noong Oktubre, iniulat ng kaniyang employer ang pag-alis nito.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, nakita ang mga labi ng Pinay sa loob ng bahay ng isang Kuwaiti citizen noong Dec. 31.

Ang itinuturong suspek sa pagkamatay nito ay isinuko sa mga otoridad ng kaniyang kapatid.

Ani Cacdac, hindi pa malinaw ang mga detalye sa pagkamatay ng Pinay at patuloy pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad.

Tiniyak naman ng kalihim na mayroon nang abogado nakatutuok sa kaso at nakikipagtulungan sa Kuwaiti prosecution. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *