Mga isisilang mula ngayong taong 2025 magiging bahagi ng bagong henerasyon na “Generation Beta”
Kasabay ng pagpasok ng Bagong Taon isinilang din ang bagong henerasyon – ang Generation Beta.
Ayon sa bloc spot ang Australian Social Analyst at Futurist na si Mark McCrindle, sakop ng “Generation Beta” ang mga isisilang mula 2025 hanggang 2039.
Ani McCrindle, inaasahang pagsapit ng 2035, 16 percent ng global population ay bubuuin ng mga Gen beta.
Posible ayon kay McCrindle na ang mga Gen Beta ang unang henerasyon na makararanas ng autonomous transportation, wearable health technologies, at iba pang makabagong teknolohiya. (DDC)