Mahigit 50 million na pasahero bumiyahe sa NAIA noong 2024

Mahigit 50 million na pasahero bumiyahe sa NAIA noong 2024

Nakapagtala ng mahigit 50.1 million na pasahero na bumiyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabuuan ng taong 2024.

Ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC), mas mataas ito ng 5.08 percent kumpara sa datos noong 2019 bago ang pandemya.

Nakapagtala din ng mahigit 293,000 na flights para sa buong taon.

Ayon kay NNIC President Ramon Ang, nangangahulugan itong mas marami ang bumibiyaheng Pinoy at mas marami din ang bumibisita sa bansa.

Ibig sabihin ay bumabalik na aniya ang kumpiyansa sa air travel.

Simula nang mag-take over ang NNIC sa NAIA noong Setyembre, patuloy na nakapagtala ng pagtaaas na bilang ng mga pasahero sa paliparan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *