DOH nakapagtala na ng 534 na kaso ng Fireworks Related Injuries
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 534 na nasugatan dahil sa paputok.
Ang datos ay mula noong umaga ng Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 1, 2025.
Ayon sa DOH, mayroon pang nadagdag na 188 sa bilang ng mga nasugatan noong bisperas ng Bagong Taon.
Ang datos ay mas mababa 9.8 percent kumpara sa 592 total cases na naitala noong Jan. 1, 2024.
322 sa mga biktima ng paputok ay edad 19 na taon pababa.
Ayon sa DOH, pangunahing dahilan ng pagkasugat ay ang paggamit ng kwitis, kasunod ang boga, 5-star at whistle bomb. (DDC)