Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 55 kilometers northeast ng bayan ng Sulat, 2:39 ng madaling araw ng Huwebes, Jan. 2.
May lalim na 3 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)