Guidelines sa pagkakaloob ng medical allowance sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno, aprubado na ng DBM
Inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang Budget Circular No. 2024-6 na naglalaman ng guidelines, rules and regulations para sa pagbibigay ng Medical Allowance sa mga kwalipikadong kawani ng gobyerno simula Fiscal Year 2025.
Ang pagbibigay ng medical allowance para sa mga goverment employees ay alinsunod sa Executive Order (EO) No. 64 series of 2024 na nagtatakda rin ng pagtaas ng sahod para sa mga kawani ng gobyerno na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang buwan ng Agosto.
Ang medical allowance na hindi hihigit sa P7,000 kada taon ay ibibigay bilang tulong sa mga kwalipikadong civilian government personnel upang makapag-avail ng health maintenance organization (HMO)-type na mga benepisyo.
Sakop ng circular na ito ang lahat ng civilian government personnel sa mga ahensya ng national government, kabilang ang state universities and colleges (SUCs) at government-owned and controlled corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng Republic Act No. 10149 at EO No. 150 s. 2021, anuman ang status ng appointment, regular man, casual, o contractual; appointive o elective; at sa full-time o part-time basis.
Sakop din ng circular ang mga kawani ng local government units at local water districts. (DDC)