National Museum araw-araw nang bukas sa publiko

National Museum araw-araw nang bukas sa publiko

Simula ngayong taong 2025, pitong araw nang bukas sa publiko ang National Museum.

Sa pahayag ng National Museum of the Philippines sa kanilang official Facebook page, ang NMP Central Complex sa Maynila at ang Regional Component Museums sa iba’t ibang panig ng bansa ay magiging bukas na sa publiko sa loob ng buong isang linggo.

Mananatili ding libre ang admission sa mga National Museum.

Ayon sa pahayag layunin nitong mas gawing accessible sa lahat ang mga programa at serbisyo ng NMP.

Bago ito, sarado sa publiko ang National Museum kapag araw ng Lunes. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *