DOH nakapagtala ng 529 na Road Traffic Incidents sa nakalipas na 10 araw

DOH nakapagtala ng 529 na Road Traffic Incidents sa nakalipas na 10 araw

Simula Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 1, 2025 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 529 na aksidente sa kalsada.

Ang nasabing bilang ay mula sa 8 Pilot Sites na mino-monitor ng DOH.

Ang 529 Road Traffic Incidents ay mas mataas ng 31 percent kumpara sa parehong petsa ng taong 2023.

Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 6 ang nasawi at 4 sa kanila ay nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo.

94 sa mga nasangkot sa aksidente ay pawang nakainom ng alak.

Nakapagtala din ng 459 na hindi gumamit ng safety accesories.

Paalala ng DOH sa mga motorista, ugaliling magsuot ng helmet kapag nagmomotorsiklo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *