Lalaki patay sa pananambang sa Pasay City

Lalaki patay sa pananambang sa Pasay City

Patay ang isang 37-anyos na lalaki matapos malapitang barilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng bonnet sa Pag-asa E. Flores Street, Barangay 176, Malibay, Pasay City dakong ala-1:35 ng hapon ng Miyerkules, January 1, 2025.

Dead on the spot ang biktima na si Cyris Abaya Ginn, binata at nakatira sa No. 148 E. Flores Street, Malibay sa lungsod.

Inaalam p ng otoridad ang pagkakakilanlan ng armadong suspek.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SSg Christian Pancho G QuiƱola ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police, lumabas ng bahay si Ginn at naglakad-lakad siya sa lugar nang sumulpot ang nakabonnet na suspek bago binaril ng malapitan ang biktima na nagresulta ng agarang pagkamatay nito.

Mabilis na tumkas ang suspek na target ngayon sa hot pursuit operation ng mga tauhan ng Sub-station 6.

Masusing nag-iimbestiga ang otoridad sa naturang kaso ng pamamaril sa lugar upang matukoy ang motibo sa krimen at agad na maaresto ang salarin. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *