1,000 pang PDLs pinalaya ng BuCor
Magiging masaya ang Bagong Taon ng karagdagang isang libong (1,000) persons deprived of liberty (PDLs) na pinalaya ng Bureau of Corrections (NBP) nitong November 26 hanggang December 31, 2024.
Ito ang masayang anunsyo ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na lumaya na ang 1,000 pang PDLs kasama ang presensiya ng 152 sa ginanap na culminating activity sa Social Hall ng Bucor’s Administrative Building, New Bilibid Prison (NBP) Compound sa Muntinlupa City.
Sa kanilang paglaya, umabot sa 7,707 PDLs ang lumaya noong January 2024 hanggang sa katapusan ng nakalipas na taon habang nasa kabuuang 18,422 PDLs ang pinagkalooban ng kalayaan simula nang umupo sa puwesto si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla.
Ayon kay Catapang, 625 sa mga lumaya ang nakakumpleto ng kanklang hatol, 134 ang naabsuwelto, isa ang nabigyang ng motion for release, 38 ang nahandugan ng probation, 190 ang nakatanggap ng parole, 11 ang pinalaya sa pamamagitan ng habeas corpus at isa naman ang itinurn over sa jail.
Sa mga lumayang PDLs, 59 ritilo ay nagmula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, dalawa sa CIW Iwahig Prison and Penal Farm , 18 sa CIW Mindanao, 170 sa Davao Prison and Penal Farm, 111 sa Iwahig Prison and Penal Farm, 69 sa Leyte Regional Prison, 199 sa Maximum Security Camp ng NBP, 146 sa Medium Security Camp ng NBP, 40 sa Minimum Security Camp ng NBP, 17 sa Reception and Diagnostic Center ng NBP, 68 sa Sablayan Prison and Penal Farm, at 101 naman mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.
Samantala, dahil sa epektibong binagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10592 o mas kilala sa tawag na Revised Penal Codena naamyendahan, inanunsyo ng BuCor ang shift sa timeline para sa pagpaplaya ng mga nahatulan sa mga karumal-dumal na kuwalipikado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Nilinaw pa ni Catapang na minithi nilang magpalaya sa katapusan ng taon 2024 kaysa palayain ng maaga sa taon 2025 ang mga nabanggit na PDLs.
Paliwanag pa ng BuCor Chief na ang pagbabagong ito ay bunsod ng IRR na nagtatakda ng bagong patakaran na epektibong ipatutupad matapos ang 15 na araw na pagkalathala sa diyaryo at inihain ng University of the Philippines-Office of the National Administrative Register, bilang mandato ng Revised Administrative Code of 1987.
Binigyang-diin ni Catapang ang importansiya ng pagsunod ng wastong procedural guidelines na nakapaloob sa mahalagang legal update.
Ang Revised IRR ay nilagdaan noong December 15 nina Sec. Remulla at Interior and Local Government Secretary Juanito Victor Remulla, na hudyat ng mahalagang hakbang sa pagtiyak sa implementasyon ng GCTA na parehong epektibo at naaayon sa legal na balangkas na itinatag ng umiiral na mga batas.
Ipinagkakaloob ang GCTA bilang pribilehiyo sa bilanggo, nakakulong man o sentensiyado ng korte ay binibigyan ng oportunidad upang pababain ang panahon ng kanyang pagkakabilanggo para sa bawat buwan ng aktuwal na pagkakakulong o serbisyo ng hatol na gantimpla naman para sa pagpapakabait at pagpapakabuti nito.
Matatandaan noong 2021, nagpasya ang Korte Suprema na ang mga nahatulan ng karumal dumal na krimen ay hindi makakasama sa bibigyan ng GCTA.
Subalit sa katatapos lamang na desisyon ng Supreme Court En Banc sa G.R. No. 249027 at G.R. No. 249155 (Guinto et al., v. Department of Justice; Inmates of New Bilibid Prison, et al. v. Department of Justice) pinahintulutan ang mga taong convicted ng heinous crimes na makapag- avail ng GCTA sa pagsisilbi ng kanilang sentensiya.
Dumalo sa aktibidad ang mga opisyal ng BuCor kasama sina Presidential Adviser on Muslim Affairs, Almarin Tilla Al Haj, Justice Undersecretary Deo Marco na kinatawan ni Secretary Remulla, Atty. Bienvenido Benitez, Administrator of Parole and Probation, Atty Ronald Macorol, at Atty. Nazario Bancoro, Jr. kumatawan kay Atty. Persida Rueda-Acosta ng Public Attorney’s Office. (Bhelle Gamboa)