Kennon Road sarado muna sa mga motorista
Isinara sa mga motorista ang kahabaan ng Kennon Road.
Ito ay base sa kautusan ng Metropolitan BLISTT Development Authority na pinamumunuan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Layon ng pagsasara ng Kennon Road na mas mapabilis ang clearing operations sa mga debris na dulot ng sunog na naganap sa Camp 6, Tuba, Benguet.
Ayon sa abiso, mananatiling epektibo ang pagsasara ng Kennon Road hangga’t hindi naglalabas ng panibagong abiso ang council. (DDC)