DOH nakapagtala na ng 340 na kaso ng Fireworks Related Injuries
Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 340 na nasugatan dahil sa paputok.
Ang datos ay mula noong umaga ng Dec. 22 hanggang umaga ng Jan. 1, 2025.
Mas mababa ito ng 34 percent kumpara sa 519 total cases na naitala noong Jan. 1, 2024.
Ayon sa DOH, mula Dec. 31 hanggang umaga ng Jan. 1 ay 141 na bagong kaso ang nadagdag sa datos ng Fireworks-Related Injuries.
239 sa mga biktima ng paputok ay edad 19 na taon pababa.
Ayon sa DOH, 202 o 59 percent ng kaso ay dulot ng paggamit ng iligal na paputok gaya ng boga, 5-star at piccolo. (DDC)