DILG nagpasalamat kay Pang. Marcos sa pag-apruba sa 2025 budget
Welcome sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakapasa sa 2025 General Appropriations Act.
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa P6.32 Trillion national budget.
Ang DILG ang ikaapat na ahensya na nakakuha ng may pinakamalaking alokasyon sa pambansang budget kung saan aabot sa P279.1 billion ang inilaang pondo para dito.
Sa pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla, pinasalamatan nito ang pangulo sa suporta sa mandato ng DILG na palakasin ang local governance at isulong ang peace and order.
Tiniyak din ni Remulla sa pangulo at sa Kongreso ang responsableng paggamit ng pondo. (DDC)