DOH nakapagtala ng 350 Road Traffic Incidents sa nakalipas na 6 na araw
Simula Dec. 22 hanggang umaga ng Dec. 28, 2024 ay nakapagtala ang Department of Health ng 350 na aksidente sa kalsada.
Ang nasabing bilang ay mula sa 8 Pilot Sites na mino-monitor ng DOH.
Ang 350 Road Traffic Incidents ay mas mataas ng 23 percent kumpara sa parehong petsa ng taong 2023.
Ayon sa DOH, sa nasabing bilang, 3 ang nasawi at 2 sa kanila ay nagtamo ng matinding injury sa ulo dahil walang suot na helmet habang nagmomotorsiklo.
63 naman na sangkot sa aksidente ay pawang nakainom ng alak.
Paalala ng DOH, laging mag-ingat sa pagbiyahe at ugaliing magsuot ng helmet kapag nagmomotrsiklo. (DDC)