DOH nakapagtala na ng 125 na kaso ng Fireworks Related Injuries

DOH nakapagtala na ng 125 na kaso ng Fireworks Related Injuries

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 125 na nasugatan dahil sa paputok.

Ang datos ay mula noong umaga ng Dec. 22 hanggang umaga ng Dec. 28.

Mas mataas ito ng 29 percent kumpara sa 97 total cases na naitala noong kaparehong petsa ng taong 2023.

Ayon sa DOH, mula Dec. 27 hanggang umaga ng Dec. 28 ay 24 na bagong kaso ang nadagdag sa datos ng Fireworks-Related Injuries.

102 sa mga biktima ng paputok ay edad 19 na taon pababa.

Ayon sa DOH, 91 o 73 percent ng kaso ay dulot ng paggamit ng iligal na paputok gaya ng boga, 5-star at piccolo.

Dahil dito ay nanawagan ang DOH sa publiko na ireport sa mga otoridad kung may makikitang gumagamit at nagbebenta ng mga iligal na paputok. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *