Mga kasambahay sa NCR may dagdag sa kanilang buwanang sahod

Mga kasambahay sa NCR may dagdag sa kanilang buwanang sahod

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR ang dagdag sa buwanang minimum wage para sa mga Kasambahay sa National Capital Region.

Sa bisa ng Wage Order No. NCR-DW-05, magiging P7,000 na ang buwanang minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila na mas mataas ng P500 kumpara sa kasalukuyang P6,500.

Inilabas ang wage order matapos ang isainagawang general review sa socio-economic situation sa rehiyon kabilang ang oangangailangan ng mga domestic workers at kanilang pamilya.

Ikinunsidera din ang kakayahan ng mga employers na ibigay ang dagdag sahod.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) magiging epektibo ang dagdag sahod simula Jan. 4, 2025.

Sakop ng bagong minimum wage ang lahat ng domestic workers sa NCR anuman ang uri ng kanilang employment, kabilang ang live-in o live-out na mga kasambahay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *