Eastern Samar niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 109 kilometers southeast ng San Policarpo, 3:22 ng madaling araw ng Biyernes, Dec. 20.
May lalim na 17 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing lindol. (DDC)