Mary Jane Veloso nakauwi na ng bansa
Makalipas ang halos 15 taon nakabalik na ng bansa si Mary Jane Veloso matapos mahatulan sa kasong drug trafficking sa Indonesia.
Lumapag sa Terminal 3 ng ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinasakyang Cebu Pacific flight 5J760, 5:51 ng umaga ng Miyerkules (Dec. 18).
Madaling araw pa lamang nakaabang na sa NAIA Terminal 3 ang pamilya ni Veloso kabilang ang kaniyang magulang at mga anak.
Gayunman bigo silang masilayan si Mary Jane.
Pagdating kasi sa NAIA agad na idineretso sa Correctional Institute for Women si Mary Jane kung saan sya ide-detain.
Una nang sinabi ng National Union of People’s Lawyer na aapela sila sa mga otoridad para bigyan man lang ng maikling pagkakataon ang pamilya ni Mary Jane na makasama ito makausap at mayakap. (DDC)