Paglagda ni Pang. Marcos sa General Appropriations Act ipinagpaliban ng Malakanyang

Paglagda ni Pang. Marcos sa General Appropriations Act ipinagpaliban ng Malakanyang

Hindi tuloy ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa P6.352 trilyong 2025 national budget sa Disyembre 20.

Paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay upang bigyang-daan ang masusi at komprehensibong pagsusuri sa panukalang batas na magsisilbing gabay sa direksyon ng bansa sa susunod na taon.

Ipinunto ni Bersamin na ang pag-aaral o pag-review sa panukalang 2025 national budget ay pinangungunahan mismo ni Pangulong Marcos sa pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng mga pangunahing kagawaran.

Bagama’t wala pang eksaktong petsa kung kailan ito lalagdaan, ipinaliwanag ni Bersamin na may ilang mga probisyon at bahagi ng panukalang pambansang badyet ang ive-veto para sa kapakanan ng publiko, upang umayon sa fiscal program, at bilang pagsunod na rin sa mga umiiral na batas.

“The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time for a rigorous and exhaustive review of a measure that will determine the course of the nation for the next year,” pahayag ni Bersamin.

“While we cannot yet announce the date of the signing, we can now confirm that certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws,” dagdag ni Bersamin..

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na hahanapan niya ng paraan na maibalik ang P10 bilyong tinapyas na pondo ng Kongreso sa Department of Education.

Dinipensahan din ni Pangulong Marcos ang hindi paglalaan ng Kongreso ng budget para sa subsidiya sa PhilHealth. (CY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *