BFP-Las Piñas may bagong emergency rescue vehicle mula sa Las Piñas LGU
Itinurn-over na ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang bagong emergency rescue vehicle para sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod sa ginanap na simpleng seremonya sa pangunguna ni Vice Mayor April Aguilar, sa CityHall grounds.
Ang bagong sasakyan ay bahagi ng lokal na pamahalaan sa patuloy nitong hakbang na palakasin pa ang kanyang emergency response at siguruhin ang kaligtasan at proteksiyon ng mga residente.
Dinaluhan ang turn-over ceremony ni Vice Mayor Aguilar, mga opisyales ng BFP, at iba pang kinatawan ng lokal na pamahalaan na nagbigay-diin sa kahalagahan ng mga frontline responders na magkaroon ng modernong sasakyan o kagamitan para sa mas maayos na serbisyo sa komunidad.
Ang kaganapang ito ay sumasalamin sa pangako ng Las Piñas na pagandahin ang paghahanda sa kalamidad at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng patuloy na suporta sa kanyang emergency and rescue teams. (Bhelle Gamboa)