P1.4M na halaga ng high-grade marijuana, nakumpiska sa Pasay City

P1.4M na halaga ng high-grade marijuana, nakumpiska sa Pasay City

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang parcel na naglalaman ng kush o high-grade marijuana.

Ang parcel ay nakumpiska sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Idineklarang naglalaman ng mga damit ang naturang parcel na galing ng Thailand.

Nangisailalim ito sa pagsusuri ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) kabilang ang x-ray screening, K9 inspection, at physical examination nadiskubre ang 1,002 grams of kush na tinatayang nasa P1,402,800 ang halaga.

Agad ding naaresto ang consignee ng parcel na dinala na sa PDEA para masailalim sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *