PDLs na nahatulan ng karumal-dumal na krimen mabebenepisyuhan sa GCTA
Opisyal nang nilagdaan ng Departments of Justice at ng Department of the Interior and Local Government ang 2024 revised implementing rules and regulations ng Republic Act 10592 o mas kilala sa tawag na Revised Penal Code na naamyendahan upang bigyang-daan ang persons deprived of liberty (PDLs) na nasentensiyahan ng heinous crime para makinabang mula sa good conduct time allowance (GCTA).
Isinagawa ang seremonya ng paglalagda sa bagong conference room ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, na dinaluhan nina Justice Undersecretaries Deo Marco at Raul Vasquez, bilang kinatawan ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla, gayundin si Interior and Local Government Undersecretary Serafin P. Barretto Jr., na kumatawan kay DILG Secretary Jonvic Remulla, mga opisyales ng Bureau of Corrections sa pangunguna ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., at ng mga opisyal din ng Bureau of Jail Management and Penology na pinangunahan ni Jail Director Ruel S. Rivera.
Sa mensaheng ipinaabot ni Justice Secretary Remulla sa pamamagitan ni Vasquez, ibinunyag ng kalihim na ang bagong IRR ay isa sa mga hakbang ng gobyerno na paluwagin ang correctional facilities at jails, kung saan nasa 8,000 PDLs mula sa Bucor at 1,000 PDLs naman sa BJMP ang mabebenepisyuhan mula sa implementasyon nito.
Ayon pa kay Vasquez ang batas sa GCTA ay hindi pa napapalaki at masayang-masaya siya na nakita na ito sa wakas ng Korte Suprema kung saan naka-ankla ang ating corrections system ukol sa rehabilitasyonbat ikalawang pagkakataon kung kaya aniya huwag nating ipagkait sa PDLs na nahatulan ng karumal- dumal na krimen ang oportunidad sa pagkuha ng GCTA na magpapababa sa kanilang sentensiyang pagkakulong dahil sa pagpapakita ng magandang asal.
Inihalimbawa rin nito ang accomplishment o tagumpay ng Bucor sa paghahatid ng higit pa kaysa sa ipinangako niya at ni Secretary Remulla sa kanilang pagbisita sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland, noong September 2022.
“Our promise back then was to release 300 PDLs a month, but Bucor, under the leadership of DG Catapang, was able to release more than 8,000 PDLs in 2023, or more than double what we promised the UNHCR,” ani Vasquez.
Suportado rin niya ang modernization program ng BuCor kung saan inililipat ang PDLs sa labas ng Metro Manila bilang parte ng whole-of-government approach para paluwagin ang mga kulungan ng pamahalaan at binanggit ang pagtutulungan at koordinasyong ginagawa ng Technical Working Group ng DOJ para sa nasabing revised IRR, na bagong instrumento na isulong ng mas marami lalong maayos na administrasyon ng DOJ.
Inihayag naman ni Catapang karamihan sa mga PDL ay nagrereklamo dahil sa mbagal na progreso sa pagdinig ng kanilang kaso sa korte habang inirereklamo sa mga antala sa kanilang paglaya ngunit dahil sa pirmadong revised IRR, magbibigay ito sa kanila ng pag-asa.
“We are giving them something to look forward to, Para talaga sa kanila ito,” pahayag ni Catapang.
Binigyang-diin ng Bucor chief na sa ilalim ng Philippine Development Plan, nagkaroon ang ahensiya ng limang marching orders, tatlo rito ang nagawa na kabilang ang pagpapalawak ng e-dalaw system, pangkabuhayan, at mga oportunidad sa negosyo para sa PDLs, at isang multi-disciplinary rehabilitation mechanism, na tumutukoy sa mga klase ng PDLs na kuwalipikado para lumaya at pag-expand ng access sa parole at pagbabawal sa mga uri ng paglabag at operasyon ng isahang referral at monitoring system sa mga dating PDLs, samantalang naatasan naman patungkol sa mga kasalukuyang konstruksiyon at pagkukumpuni sa penal facilities, at batas sa pagtatatag ng inaasahang unified penology and corrections system.
Iniulat pa ni Catapang na ang 350 porsiyento ng congestion rate sa NBP ay bumaba na sa 250% at asahang bababa pa ito kapag nakumpleto na ang mga pasilidad na itinatayo sa iba’t ibang operating prisons and penal farms sa buong bansa. (Bhelle Gamboa)