Memorial monument ni Presidente Quirino sa Muntinlupa City isinapubliko
Pinangunahan nina Japan Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya at Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pormal na pagsasapubliko ng memorial monument ng yumaong Pangulong Elpidio Quirino sa Kiyoshi Ozawa Compound sa New Bilibid Reservation Area sa Muntinlupa City.
Ang liderato at pagiging makatao ni Pangulong Quirino ay palaging naaalala ng mamamayan ng Japan dahil noong 1953 iginawad niya ang amnestiya sa mga Japanese prisoners of war (POWs) sa ating bansa, na isang makasaysayang hakbang na nagbigay ng pundasyon para sa normalisasyon ng alyansa sa pagitan ng Japan at ng Pilipinas.
Sa mensahe ni Bureau of Corrections (Bucor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na binasa ng kinatawan nitong si C/CSupt Melencio S. Faustino, Director, BuCor Land Control and Management Center (BLCMC),malugod na binabati niya ang ANG PINOY@HAPON UNITED FOUNDATION, Inc., ang organisasyong responsable sa pag-organisa ng kaganapan.
Ayon kay Catapang ang pinagsama-samang hakbang ay pagpapakita sa atin ng pagkaantig at inspirasyon sa buhay at kabutihan ng ika-anim na Pangulo na si Presidente Quirino na nagpamalas ng katapatan sa mga salita mula sa Panginoon kung saan ang pagpapatawad ay banal.
Ang ibig sabihin na magpatawad at kalimutan ito ay hindi nito mababago ang nakaraan subalit nag-aalok naman ng pagkakataon sa kinabukasan.
“In the midst of his personal pain for his country and especially for grieving over what he personally lost, he forgave what we considered unforgivable,” sabi sa mensahe ni Catapang.
Aniya ang pagiging makatao ni Pangulong Quirino ay mas malakas kaysa sa mga nararamdaman niyang sakit dagdag pa rito ang kapasyahang nagtulak ng daan para sa ating bansa at ng Japan na tumatamasa ng magandang partnership tungo sa mas lumalagong ekonomiya at kultura sa kinabukasan at sa darating pang panahon.
Sinabi pa ni Catapang na ang nasabing monumento ay isang patunay na buhay ang kapayapaan, harmonya, kabaitan at pagkakaibigan hindi lamang sa pagitan ng ating bansa kundi sa buong mundo.
Dumalo rin sa kganapan sina Atty. Aleli Angela G. Quirino, presidente ng Quirino Foundation; Asanuma Takeshita, Chairman ng ANG PINOY@HAPON UNITED FOUNDATION, Inc.; at Bb. KANO Kayoko ng KANO Art Promotion Japan. (Bhelle Gamboa)