Imbestigasyon ng NBI sa umano’y banta ni VP Sara sa buhay ni Pang. Marcos, tatapusin ng NBI
Tatapusin na ng National Bureau of Investigation ang imbestigasyon nito hanggang katapusan ng linggong ito kaugnay sa umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay nina Pangulong Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago na hind nagpakita si VP Sara ngayong araw sa kanilang tanggapan at sa halip ay nagpadala lang ng sulat mula sa abogado nito.
Aniya ang sulat na kanilang natanggap ay hindi isang counter affidavit o sinumpaang salaysay kundi liham ng abogado na nakapirma lamang si VP Sara.
Ayon kay Dir. Santiago pag-aaralan ng kanyang mga kasamahang abogado ang lahat ng nakuha nilang detalye at impormasyon hinggil sa kaso bago gumawa ng report na isusumite sa Department of Justice. (Bhelle Gamboa)