Limang puganteng dayuhan arestado ng BI
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang puganteng dayuhan na nahaharap sa mga kaso sa kanilang pinagmulang mga bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kabilang sa mga naaresto ay isang American, Chinese, Taiwanese, at 2 Koreans.
Ang American na si Paul Raymond Ross, 66-anyos ay nadakip sa Kabankalan City, Negros Oriental dahil sa pagiging wanted sa for extortion at harassment sa Pennsylvania.
Sa Lapu-Lapu City, Cebu naman nadakip ang dalawang overstaying Koreans na sina Jung Yunjae, 26, at Jeon Hyeonuk, 41, na parehong wanted sa kasong kidnapping sa Korea.
Ang Chinese national na si Ji Shunchao, 64-anyos ay wanted sa kanilang bansa sa pag-claim ng pekeng tax refunds.
Habang ang Taiwanese national na si Ye Tian Hao, 32-anyos at dinakip sa Pasay City dahil sa kaniyang kasong fraud sa Taiwan.
Ayon kay Viado, ipatatapon palabas ng bansa ang limang dayuhan dahil sa pagiging undesirable aliens. (DDC)