16-anyos na binatilyo sa Baguio City, iniligtas ang isang senior citizen matapos atakehin sa puso
Umani ng papuri ang ginawa ng isang 16-anyos na binatilyo sa Baguio City matapos nitong iligtas ang buhay ng isang senior citizen na inatake sa puso.
Bumaba ang si JC Sumbad sa sinasakyan niyang pampasaherong jeep nang makita ang 64-anyos na lalaki na nakasubsob sa kalsada sa bahagi ng DIzon Subdivision.
Ayon kay Victor Chua, anak ng senior citizen, ang kaniyang ama ay isang stroke survivor at inatake ito sa puso nang matagpuan ni JC.
Agad nagsagawa ng first aid at cardiopulmonary resuscitation (CPR) si JC sa matandang lalaki.
Ayon sa mga medical responders kung hindi dahil sa ginawa ni JC marahil au hindi nakaligtas ang matanda.
Nakalabas na ng ospital ang matanda at nakatakda itong sumailalim sa heart bypass operation.
“I hope that the kid will be commended officially. I offered a cash reward but he politely declined because he said kindness should be normalized,” ayon kay Chua.
Nagpaabot naman ng pagbati si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kay JC matapos malaman ang kaniyang ginawa. (DDC)