Kaso ng Avian influenza sa CamNorte kinumpirma ng BAI
Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) na mayroong na-detect na kaso ng Avian influenza sa Talisay, Camarines Norte.
Ayon sa BAI, may na-detect na Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) Type A Subtype H5N2 sa isang duck farm sa nasabing bayan mataos na magpositibo ang test na ginawa ng Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory (ADDRL).
Ito ang unang pagkakataon na may na-detect na HPAI H5N2 sa bansa at unang kaso ng avian influenza sa lalawigan ng Camarines Norte.
Inirekomenda na ng Department of Agriculture – Regional Field Office V (DA-RFO V) ang pagpapatupad ng quarantine at biosecurity measures on sa apektadong farm para maiwasan ang pagkalat pa ng virus.
Nagsagawa din ng culling operations sa mga alagang bibe sa nasabing farm. At ang iba pa na nasa loob ng 1-km zone surveillance ay sasailalim din sa culling. (DDC)