Panukalang P635.2T National Budget pasado na sa bicameral committee
Naipasa na ng bicameral commmitte ang final version ng House Bill 10800 o ang panukalang P635.2 Trillion national budget para sa susunod na tao.
Sa ipinasang bersyon, pinanatili ang P733 million na budget ng Office of the President.
Napakasunduan din ng mga senador at ng mga kongresista ang alokasyon para sa Ayuda para sa Kapos and Kita Program (AKAP) pero ibinaba ito sa P26 billion mula sa P39 billion.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, inaasahang malalagdaan na ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago matapos ang buwan.
“Walang budget na perpekto. Nag-aapply dito ang isang simpleng prinsipyo na zero-sum game. Hindi natin madadagdagan ang gustong dagdagan kung wala tayong ibabawas. Hindi tayo pwedeng maglagay kung wala tayong pagkukunan,” dagdag ni Escudero. (DDC)