CAAP nagtaas na ng alerto sa mga paliparan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holiday season

CAAP nagtaas na ng alerto sa mga paliparan dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holiday season

Nakataas na ang heightened alert sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong Holiday season.

Ayon sa CAAP, nakataas ang alerto sa lahat ng 44 na CAAP-managed airports.

Ito ay bilang paghahanda din sa pag-iral ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024 ng Department of Transportation’s (DOTr) simula sa December 20, 2024 hanggang sa January 3, 2025.

Ayon kay CAAP Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo, titiyakin ng ahensya na ang efficient travel experience ng mga pasahero.

Sa ilalim ng pagtaatas ng alerto, magkakaroon ng Malasakit Help Desks sa mga paliparan para umasiste sa mga biyahero.

Narito naman ang mga paalala ng CAAP sa mga pasahero ngayong Holiday season:

• Sumunod sa mga regulasyon para maiwasan ang delay akbilang ang mga rules sa ipinagbabawal na dalhin sa biyahe.
• Palagiang bantayan ang mga gamit.
• Iwasan ang pagbibiro tungkol sa bomba dahil maaari itong magresulta ng flight disruptions at maaari ding makasuhan ang magbibiro.
• Planuhin ng maaga ang biyahe at dumating sa paliparan tatlong oras bago ang departure.

Noong 2022, nakapagtala ang CAAP kabuuang 2 million na pasahero mula December 1 hanggang 31.

Habang noong 2023, tumaas pa ito sa 2.4 million na pasahero sa parehong petsa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *