P408K na halaga ng shabu nakumpiska; 2 suspek arestado sa Taguig City
Napasakamay ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Taguig City Police Substation 4 ang dalawang indibiduwal matapos mahulihan ng ₱408,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Sta. Ana sa lungsod.
Kinilala ang mg suspek na sina alyas Ryan Jay, 43-anyos, at alyas Jefferson, 32-anyos.
Nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar nang maaktuhan umano ang mga supek sa illegal drug activities sa lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 60 gramo ng umano’y shabu at dalawang pouch.
Agad itinurn-over ang ebidensiya sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis.
Nakakulong ang mga suspek sa Taguig PNP Custodial Facility at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong aglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Bhelle Gamboa)