3 suspects sa pagpuslit at pagbenta ng depleted Uranium sa bansa, nasakote ng NBI

3 suspects sa pagpuslit at pagbenta ng depleted Uranium sa bansa, nasakote ng  NBI

Nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) agents ang tatlong suspek sa pag-smuggle at iligal na pagbebenta ng depleted Uranium sa bansa.

Hawak ng otoridad ang naarestong tumatayong lider umano ng grupo na si Roy Cabesas Vistal , ang partner nitong si Mae Vergel Zagaka, alyas Madame Mae, at ang ahente na si Arnel Gimpaya Santiago matapos makumpiska ang 100 kilos ng radioactive materials .

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, na may mga kasabwat sa ibang bansa ang mga suspek.

Aniya nagsasagawa ng imbestigasyon ang NBI sa tulong ng kanilang foreign counterparts.

Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 sa korte sa Pasay City at sa Cagayan de Oro.

Ayon naman kay Dr. Carlo Arcilla ng Philippine Nuclear Research Institute, ang depleted Uranium ay banta sa national security dahil ito at maaaring magamit sa paggawa ng nuclear weapons.

Paliwanag pa ni Dr. Arcilla na delikado rin ito sa kalusugan ng tao dahil maaaring magkaroon ng cancer ang ma-e-expose sa nasabing kemikal.

Sa ngayon, isinasailalim na sa decontamination procedure ang lugar kung saan narekober ang depleted Uranium. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *