Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 63 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, 6:21 ng umaga ng Martes, Dec. 10.
May lalim na 23 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing pagyanig. (DDC)