Nonstop na biyahe mula Manila to Paris muling nagbalik; Air France may biyahe na muli sa NAIA
Muling magbabalik ang biyahe ng Air France sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa NAIA Infra Corp. o NNIC, makalipas ang 20-taon muling nailunsad ang biyahe ng Air France sa Manila-Paris.
Ang pagbabalik ng direct flights sa pagitan ng Pilipinas at Paris ay inaasahang magbibigay ng mas convenient na biyahe sa mga pasahero.
Kada linggo, magkakaroon ng tatlong flights ang Air France sa NAIA Terminal 3.
Ang AF209 ay aalis sa NAIA Terminal 3 tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
Habang ang AF208 ay aalis ng Paris tuwing Lunes, Mieyrkules at Sabado. (DDC)