Dagdag sahod sa Cordillera Administrative Region epektibo sa Dec. 24

Dagdag sahod sa Cordillera Administrative Region epektibo sa Dec. 24

May maagang pamasko para sa mga manggagawa sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) Cordillera, aprubado na ang dagdag na P40 sa minimum wage sa rehiyon.

Ayon sa wage board, mula sa P430 ay magiging P470 na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa CAR.

Samantala, madaragdagan din ng P1,100 ang buwanang sahod ng mga domestic workers o kasambahay sa buong rehiyon.

Dahil dito, magiigng P6,000 na ang minimum na buwanang sahod ng mga kasambahay sa CAR.

Epektibo ang dagdag sa minimum wage sa Dec. 24, 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *