Bagong polymer banknote series ilalabas ng BSP sa susunod na taon

Bagong polymer banknote series ilalabas ng BSP sa susunod na taon

Nakatakda nang ilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong polymer currency series.

Ito ay kasunod ng paglalabas sa sirkulasyon ng modern-looking na P1,000 bills noong Apr. 2022.

Ayon sa BSP, ilalabas ang mga bagong polymer banknote series sa unang quarter ng taon.

Ang polymer-based money bills ay mayroong mas malakas na feature panlaban sa pekeng pera.

Kabilang sa ilalabas na polymer currency ng BSP ay P50, P100, P200 at P500.

Bagaman hindi pa inilalabas ng BSP ang disenyo ng mga bagong bank notes, sinabi nitong tampok dito ang iba’t ibang bulaklak at hayop sa bansa.

Isinusulong din ng bagong banknote series ang pangangalaga sa kalikasan at ipapakita ang mayamang biodievrsity at protektadong wildlife. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *